Why Why Love
Posted by gadotakuma on October 20, 2008

CHARACTERS:
Tong Jia Di (Rainie Yang)

Siya ay isang masipag na babae. Puro trabaho ang nasa isip niya. Palibhasa, siya kasi ang panganay na anak ng kanyang ina na si Liao Cai Juan. Meron din pala siyang kapatid na lalaki na si Tong Jia Hui. Namatay ang kanyang ama noong maliit pa lamang siya. Nabubuhay ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga gulay sa mga kalye. Gagawin niya ang lahat para lamang mabayaran nila ang mga utang nila. Meron din siyang uncle na hindi marunong pagdating sa mga investments na kung saan nalulubog din tuloy sa utang at idinadamay pa ang pamilya ni Jia Di.
Lang outfit niya ay laging long sleeve at cute na boots. Peroang cute niya sa outfit niya ha. Bagay na bagay sa kanya ang role. Gustong-gusto ko siya.
Huo Da (Mike He)

Ang rebeldeng bunsong anak ng may-ari ng Huo Company. May nickname din siyang devil boy dahil na rin sa kanyang napakalupit na ugali. Mahal ni Huo Da si yan Shu pero mahal ni Yan Shu si Huo Yan. Oh pag-ibig nga naman, sadyang mapaglaro! Gustong-gusto niyang asar-asarin at api-apihin si Jia Di pero dahil sa mabuting kalooban ni Jia Di, nainlab siya dito. At hayun, na-inlab na rin ata si Jia Di sa kanya ngunit nagkaroon siya ng Wilson’s Disease at ayaw niya itong sabihin kay Jia Di dahil paniguradong malulungkot ito.
Crush ko siya. Gusto ko yaong acting niya pabad-boy tsenes-tsenelyn.
Huo Yan (Kingone Wang)

Siya ang panganay naman na anak ng may-ari ng Huo Company. Siya ay isang general manager ng kanilang kompanya. Kung si Huo Da ay napakakulit na lalaki, itong si Huo Yan ay napakabait. Nakilala din siya sa pangalan na “10th guy”. May malungkot na pangyayari sa buhay si Huo Yan noong bata siya. Ito ay dahil umano binenta siya ng kanyang ina sa pamilya ng Huo dahil hindi niya kayang pagalingin ang sakit nito sa puso. Kaya, naiinis siya sa nanay niya at kinasusuklam niya ito. Pero sa pagkamatay ng kanyang ina, naayos din ang lahat.

Summary:
Mahirap lang kasi itong si Tong Jia Di at kasalukuyan pa ring nag-aaral sa kolehiyo kung kaya’t kinakailangan niyang maghanapbuhay para may pambayad sa utang nila at maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral. Dito naman lumitaw ang kanyang matalik na kaibigan na si Xiao Nan na kung saan nais niyang mainlab naman umano itong si Tong Jia Di. Dahil dito, sinet up niya si Jia Di sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga exchange coupons sa carnival. May dalawang kahon doon at bubunot ka ng exchange coupons sa isa sa mga kahon. Dahil sa bunutan na ito, nakilala niya ang dalawang anak na lalaki ng may-ari ng Huo Company, sina Huo Yan at Huo Dan na kapwa bumili ng exchange coupons mula kay Jia Di.
Noong 20th birthday niya, nagwish itong si Xiao Nan na kung sinuman ang magiging tenth guy na dadaan ay hihingan niya ng phone number. Nagkataon namang may bet ang magkapatid na karera sa motorsiklo. Sa kasamaang palad, naaksidente ang dalawa at nagkafracture ang kanilang kamay at paa.
Then hindi ko na maalala kung paano na napunta itong si Jia Di sa hospital kung saan nakaadmit ang dalawang lalaki. Basta nagkita ang tatlo sa hospital at kinukuha niya ang phone number ni Huo Yan dahil siya umano ang 10th guy. Binigay naman ni Huo Yan ang kanyang number. Ngunit, napagtripan ata ang number ni Huo Yan at nakalagay sa isang ewan na website. Dahil dito, nagalit si Huo Yan at ayaw na niyang paniwalaan si Jia Di. Pero, hayun naayos pa rin naman ang problema nila at nagbati uli.
Ang pagkairita ni Huo Da kay Jia Di ay nagbago pagkatapos magawa ni Jia Di ang kanyang role sa angel-owner na service coupon na binili umano ni Huo Da. Ginawa niyang katu-katulong si Jia Di dahil itong si Huo Da ay hindi makalakad dahil sa aksidente. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama sa bahay ni Huo Da dahil katulong nga itong si Jia Di, hayun at nainlab na ata itong si Huo Da kay Jia Di. Pero ang mas malupit eh pati si Huo Yan ay inlababo na rin kay Jia Di. Dahil inlab na nga sila sa kanya, gagawin nila ang lahat mapunta lamang sa kanila si Jia Di.
Noong una, mas gusto ni Jia Di si Huo Yan pero bigla-biglang nagbago ang ihip ng hangin at tila inlab na siya kay Huo Da. At kung ano ang rason ay nakalimutan ko na basta panoorin niyo na lang.
Lumipas ang panahon, si Huo Da ay nagkaroon ng Wilson’s Disease at namamatay na. Pinili niya na huwag itong sabihin kahit kanino except kay Yan Shu. Pero nalaman din ni Jia Di at sinabing kailangan niyang mabuhay para sa kanilang pagmamahalan (Hayan na ang mga banat!).
Bilang kapatid, naghahanap itong si Huo Yan ng paraan para mapagaling si Huo Da. Nalaman niya na kailangan pala ni Huo Da ng liver donation at tanging siya lamang ang makakapagbigay nito. Pumayag naman si Huo Yan kahit na may problema ito sa puso.
Akala ko patay na itong si Huo Da. Pero hayun hindi pala. Successful ang operasyon at hayun buhay na buhay. Kaya ito ay happy ending pa rin.
MGA BANAT:
“If I said it three times, it means that’s true” – Jia Di and Hou Da
“This is your circle, and I, the Devil Boy wants to come in” – Hou Da
“I can exchange lots of coupons if you just stay by my side” – Hou Da
“If there are a hundred things I hate about you, they will, quickly turn into the hundred things I love the most” – Jia Di
“I am the only person on this earth with the power and the capability to give you a liver, this only proves one point, that in this earth, I am you brother” – Hou Yan
CONCLUSION:
Kung gusto niya kiligin, okey na okey ang palabas na ito!
Kung gusto niyo matawa, panoorin mo to!
Kung gusto mo maiyak, oo nakakaiyak din ang series na ito. Pucha! Nakakaiyak talaga! Lalo na sa bandang huli. Nyemes!
Basta maganda ang palabas na ito! Gustong-gusto ko ang loveteam ng dalawa! Okey na okey sa olryt!
—-Maraming salamat sa Google para sa mga larawan—
Why Why Love (O Bakit Bakit Pag-ibig?) « Ang Paglalakbay ni Eloiski said
[...] BITIN??? CLICK MO KO! [...]
Jho said
whoaaa!! reho taung adik sa anime at asianovela.. hihihi… salamat nga pla sa pagvisit sa site ku.. ^^
Hachi said
mukang interesting yung istorya ah. meron ba sa crunchyroll yan? hehe
nga pala, di mo ba nareceive yung email ko dati? hehe. sinabi ko yun e. anyway, ate, yung wordpress na to, hindi niyo po mata-transfer sa ibang webhost. ang pwede niyo lang pong magawa ay i-transfer ang mga posts. Sa dashboard niyo po, click manage->export->download export file
pag nagawa niyo na yan, at may webhost na kayo, sa import naman po kayo pumunta at i-upload niyo na po yung file na na-download niyo.
ang pagkakaroon po ng sariling free domain, ay mukang imposible yata ate. wala pa kasi akong nakitang site na nag-ooffer ng free domain. yung akin kasi..hindi sya dot com. sa http://uni.cc pede ang free domain pero uni.cc sya katulad sakin. ang naghost sakin ay si ate ems. libre lang din, pero di ko alam kung tumatanggap pa sya ng libre dahil sobrang tagal na neto. eto po yung site niya. http://newbeginning.0rg.ph/
ayun lang po. pag may tanong pa, comment na lang po kayo or email.
Hachi said
naku mali ako ng send. sorry sorry. T.T
lalaine said
hanep sa mga banat! ayos na ayos! gusto ko sana panuorin to… kaso. una : wala ako copy nyan… at pangalawa : wala pa time sa ngayon
repah said
hay naku.. aabangan ko na naman ito..
Ninong said
Ahuy, nandito pala ang continuation ng chenes nobela!
(eyan, korekek na sifeling ko)
Anonymous said
ka22kilig talaga ung love team nila…….i love it….
lique said
haha.. galing galing. gagawa rin ako ng review. pacopy nung ibang lines:D
why why love « scribbles on my second haven said
[...] Benta Part:(compilation from Gadotakuma) [...]
ekszin.mwahugz.info » Blog Archive » why why love said
[...] Benta Part:(compilation from Gadotakuma) [...]
khuyt.masayahin.info » Blog Archive » why why love said
[...] Benta Part:(compilation from Gadotakuma) [...]
feljhon viernes said
i like your movie!!……………..can you be my txtmate my number is 09097208080.bye!!pls.reply !!……your so cute!……………
zenny said
hi……can you be my friend…..can you be my txtmate….this is my number….09192336957……okey…wait ko text mo….pag sure ha…..my name is zenny…
sigh said
hello!…
i’m also an addict of asianovelas and animes…hehe
ganda talaga ng mga stories…so unique and interesting!
di naka2sawa…hmmm…
ngpuyat tlaga me para matpos lng ’til d’ end ang why why love!
^_^
nica said
My gosh….. I dont expect na ganoon ang story …. I fall in love again b’coz of their story…. nakakatuwa dn ung mga banat nila….. I like mr. mayabang….bagay sa kanya… hehehe…Sana lang ibalik ung LAVENDER ni YI Shin sa ABS naman…..
kiko said
gustong gusto ko tong palabas n toh
hope visit my page its new lang
frends?
carla morales said
oMG..!!!!
i rEALLy lOve this sHow
owHh
as in gRabe talaga
mhielrose said
ganDa tlaga nito..khit c mama naiyak.
grabeh tlaga ang nagagawa ng true Love..hahah..che2x lng..
hai….bxtah, luv q toh!!Hmpzzzz
gleny said
hi!!!!!!!!!!!1
mike he sobrang gwapo mo
i love u!!!!!!!!!!♥♥♥♥♥♥♥♥♥